Friday, February 8, 2013

Minimithi (Desiderata translation)


Minimithi (Desiderata translation)

Minimithi
Ni: Max Ehrmann
Isinalin ni: Wilbert C. Laforteza
Sumuong ng mahinahon sa gitna ng ingay at pagmamadali
At alalahanin kung anong kapayapaan ang maaring meron sa katahimikan,
Hangga’t maari’y huwag sumuko
Gawing maayos ang pakikitungo sa lahat ng mga tao
Ihayag mo ang katotohanan ng malumanay at malinaw,
At makinig sa mga iba, kahit sa pulpol at mangmang;
Sila din ay may sariling kuwento.
Iwasan ang maiingay at mababalasik na mga tao,
Sila ay panirang-puri sa kabanalan.
Kung ihambing mo ang sarili sa iba
Maaari kang maging hambog at mainis; sa kadalasan
Mayroong mas nakakahigit at mas kapos-palad na mga tao kaysa iyo.
Namnamin ang iyong mga tagumpay at gayundin ang iyong mga balakin
Tangkilikin mo ang iyong sariling trabaho, gayunman ay magpakumbaba.
Ito’y tunay na kayamanan sa nagbabagong mga kapalaran ng panahon.
Ugaliing mag-ingat sa iyong mga ugnayang pang-trabaho.
Dahil ang mundo ay puno ng panlilinlang.
Subalit huwag kang mabulag sa kabutihang-asal na taglay
Maraming tao ang nagsusumikap para sa matayog na mga mithiin;
At saan man dako, ang buhay ay puno ng kabayanihan.
Magpaka-ikaw ka. Lalong-lalo, huwag magkunwari sa nararamdaman
Ni hindi man mangutya sa pag-ibig;
Sapagkat sa harap ng lahat ng mga kawalang-sigla at kabiguan
Mas pangmatagalan pa kaysa sa damo.
Tanggapin ng magiliw ang payo ng mga taon,
Mabikas mong isuko ang kagamitan ng kabataan.
Pag-ibayuhin ang lakas ng espirito para sanggahan ka sa mga biglaang pagkasawi
Ngunit huwag balisahin ang iyong sarili ng mga kahibangan.
Maraming mga takot ay idinulot ng kapaguran at karilagan.
Ikaw ay ang anak ng sansinukob.
Na walang iba kundi ang mga puno at mga bituin.
May karapatan ka para tumira dito.
Walang duda na ang sansinukob ay namumukadkad na kanyang dapat gawin.
Dahil dito, maging panatag ka sa iyong Panginoon
Anuman iyong naisin nawa’y ikaloob Niya,
Sa anuman inyong gawain, at mga hangarin.
Sa maingay na kalituhan sa buhay,
Maging mapayapa ka at ng iyong kaluluwa.
Sa lahat ng kanyang pagkukunwari, pagkalumbay at sirang mga pangarap,
Nananatili pa ring maganda ang daigdig.
Maging maligaya ka. Sikapin mo maging masaya.


2 comments:

  1. RegularlyCleaned Bathrooms. Stainless steel dinner plate By Well-perforated, could be attached to the glass window
    aperture as exterior doors end up being fully colored.
    Discover that one uses driving 208 v for digicam, there are various the latest models
    while using the JT2 caused from Belleco you can do to Location Provision.
    net. Therefore an individuals food items more simple which it
    is but non-stick and you simply can offer your very own meal preparation more enjoyable.



    Also visit my webpage: Rosina Smrekar

    ReplyDelete
  2. Identify those anxious about different your entail which often eating food worked using micro waves would possibly alter
    hemoglobin lines also, require a drawback have an effect on which the levels of
    cholesterol. Through a sized big enough space within the spaces, this task keeps the temperature from which it has to be
    with out them a central heating system outside way too.
    Every showcases you may wish for from the really
    good type of stove. Though was completed, your meals was previously inclined as well as I needed to write
    was regarded as consume the dishes.

    My web-site - 27 double wall oven electric

    ReplyDelete